Sa ilalim ng masigasig na kampanya laban sa ilegal na droga na isinusulong ng Chief PNP, Police General Rommel Francisco D. Marbil, at Regional Director ng NCRPO, PMGEN Anthony A. Aberin, matagumpay na naisakatuparan ang magkakahiwalay na buy-bust operations sa CAMANAVA area sa pamumuno ni PBGEN Josefino D. Ligan, District Director ng Northern Police District (NPD). Sa mga operasyong ito, umabot sa mahigit β‚±1.2 milyon ang tinatayang halaga ng nakumpiskang hinihinalang shabu mula sa siyam na suspek.

Sa Caloocan City, apat na indibidwal, kabilang ang isang High-Value Individual (HVI), ang naaresto ng Station Drug Enforcement Unit sa Barangay 18. Nasamsam sa kanila ang tinatayang 50 gramo ng hinihinalang shabu na may standard drug price na β‚±340,000. Samantala, sa Malabon City, nasakote si alyas β€œMimay,” 34-anyos, na isa ring HVI, sa Barangay Tonsuya. Ayon sa ulat, nakuha mula sa kanya ang 30.4 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng β‚±206,720.

Sa lungsod ng Navotas, inaresto si alyas β€œJomar,” 30-anyos, sa Barangay Daanghari matapos mahulihan ng 10.7 gramo ng shabu na tinatayang nagkakahalaga ng β‚±72,760. Sa Valenzuela City naman, natimbog si alyas β€œJasper,” 37-anyos, sa Barangay Malinta, kung saan nakuha sa kanyang pag-iingat ang 60 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng β‚±408,000.

Bukod pa rito, sa ikinasang operasyon ng District Drug Enforcement Unit, naaresto si alyas β€œOtan,” 34-anyos, sa Barangay Tugatog, Malabon. Mula sa kanya, narekober ang 35 gramo ng shabu na may halagang β‚±238,000.

Sa kabuuan, umabot sa β‚±1,265,480 ang halaga ng nakumpiskang ilegal na droga batay sa standard drug price. Ang lahat ng nahuling suspek ay sasampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Tiniyak ng Northern Police District na magpapatuloy ang pinaigting na operasyon laban sa droga upang panatilihin ang kapayapaan at kaayusan sa rehiyon. Nanawagan din ang mga awtoridad sa publiko na makiisa sa kampanyang ito sa pamamagitan ng maagap na pag-uulat ng anumang kahina-hinalang aktibidad sa kanilang mga komunidad.

Caloocan City Police Station

Caloocan PS React

Malabon City Police Station-

Navotas City Police Station

Valenzuela City Police Station

District Mobile Force Battalion NPD

#SerbisyongNagkakaisa#WeServeAndProtect

#SaBagongPilipinasAngGustoNgPulisLigtasKa

#BagongPilipinas#WeCareWeDare#SAFENCRPO

#TeamNPD#TeamPNP#News