Sa matagumpay na anti-drug operations nitong Martes ng umaga, limang indibidwal ang naaresto at higit isang milyong halaga ng hinihinalang shabu ang nasamsam ng pulisya sa magkakahiwalay na buy-bust operations sa Caloocan at Malabon.
Sa Barangay 176, Caloocan City, nahuli si alyas “Bumbay,” 37, na sinasabing High-Value Individual, kung saan nasabat ang 75 grams ng shabu na nagkakahalaga ng P510,000.
Sa Barangay Ibaba, Malabon, tatlong HVI na sina alyas “Joy,” “Ancheng,” at isang 24-anyos na lalaki ang nadakip, na nakuhaan ng 50.7 grams ng ilegal na droga na nagkakahalaga ng P344,760.
Samantala, sa Barangay 153, Caloocan, nasakote rin si alyas “Bebe,” 33, sa isa pang operasyon kung saan nakuha ang 36 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P244,800.
Ang kabuuang halaga ng nakumpiskang droga ay tinatayang aabot sa P1,099,560. Nahaharap ngayon ang limang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Valenzuela City Police Station
District Mobile Force Battalion NPD
#SerbisyongNagkakaisa#WeServeAndProtect
#SaBagongPilipinasAngGustoNgPulisLigtasKa
#BagongPilipinas#WeCareWeDare#SAFENCRPO