Alinsunod sa COMELEC Resolution No. 11057, mahigpit na ipinagbabawal ang pagbebenta, pagbili, pagbibigay, at pag-inom ng alak mula Mayo 11 hanggang Mayo 12, 2025.
Ang sinumang lalabag ay maaaring managot sa ilalim ng Section 261 (dd) ng Omnibus Election Code bilang isang election offense, na may katumbas na parusang 1 hanggang 6 na taon na pagkakakulong, pagkakait ng karapatang bumoto, at diskwalipikasyon sa paghawak ng anumang pampublikong posisyon.
Makiisa sa mapayapa at malinis na halalan. Igalang ang batas!
#SaBagongPilipinasAngGustongPulisLigtasKa
#AngKasaLIGANngNPDatKAAGAPAYngMamamayan
#WeCareWeDare
#TeamPNP
#TeamNCRPO
#TeamNPD
#TeamCAMANAVA