Sa pamumuno ni Police Brigadier General Josefino D Ligan, District Director ng Northern Police District (NPD), matagumpay na i-deploy ang kabuuang 300 na tauhan ng NPD bilang bahagi ng seguridad para sa paggunita ng Labor Day ngayong araw.

Mula sa nasabing bilang, 200 personnel ang na-augment sa Manila Police District (MPD) upang tumulong sa pagbibigay ng seguridad sa Mendiola, habang 100 personnel naman ang itinalaga sa Monumento Circle upang tiyakin ang kaayusan at kapayapaan ng publiko sa lugar.

Ang hakbang na ito ay bahagi ng maigting na seguridad na isinagawa ng NPD upang masiguro ang maayos, mapayapa, at ligtas na pagdiriwang ng Araw ng Manggagawa.

#SaBagongPilipinasAngGustongPulisLigtasKa

#AngKasaLIGANngNPDatKAAGAPAYngMamamayan

#WeCareWeDare

#TeamPNP

#TeamNCRPO

#TeamNPD

#TeamCAMANAVA