Bilang pagtugon sa lumalalang suliranin ng street gangs sa lungsod, isang Press Conference ang isinagawa kahapon ng umaga, Hunyo 16, 2025, sa Valenzuela City. Layunin nitong palakasin ang kaalaman ng publiko ukol sa banta ng gang recruitment, lalo na sa mga kabataan sa loob mismo ng mga paaralan. Ayon sa datos, tinatayang 60% hanggang 70% ng mga paaralan sa Valenzuela ay may naitatalang presensya ng gang recruitment—isang seryosong usaping panlipunan na dapat agarang tugunan.

Sa pangunguna ni Mayor WES Gatchalian, ipinakita ang matibay na paninindigan ng Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela laban sa gang violence. Sa kanyang pamumuno, isinulong ang suporta sa pagpapatupad ng Ordinance No. 1262, Series of 2025, na naglalayong sugpuin ang operasyon ng mga street gangs sa lungsod at bigyang proteksyon ang mga kabataan laban sa impluwensiya ng karahasan.

Ang Northern Police District, sa pamumuno ni PBGEN JOSEFINO D LIGAN, ay buong suporta sa kampanyang ito, katuwang ang mga paaralan, barangay, magulang, at iba pang sektor ng komunidad upang tiyaking ligtas ang Valenzuela laban sa banta ng mga gang.

Bilang pagpapakita ng kahandaan ng kapulisan sa agarang pagtugon sa anumang uri ng krimen o kaguluhan na dulot ng street gangs, isinagawa rin ang isang simulation exercise ngayong araw. Sa loob lamang ng limang minuto, agad na rumesponde ang mga tauhan ng Valenzuela City Police matapos ang pag-dial sa 911 hotline, alinsunod sa direktiba ni Chief PNP, PGEN NICOLAS D TORRE III. Pinangunahan ni PBGEN LIGAN ang simulation upang tiyaking epektibo at mabilis ang aksyon ng kapulisan ng NPD.

Ang matagumpay na pagpapatupad ng mga hakbang na ito ay patunay ng matibay na pagtutulungan ng lokal na pamahalaan, paaralan, magulang, barangay, at kapulisan. Sa Valenzuela, walang puwang ang karahasan—lalo na ang dulot ng street gangs. Sama-sama nating ipaglaban ang kapayapaan at kinabukasan ng kabataan.

#SaBagongPilipinasAngGustongPulisLigtasKa

#AngKasaLIGANngNPDatKAAGAPAYngMamamayan

#WeCareWeDare

#TeamPNP

#TeamNCRPO

#TeamNPD

#TeamCAMANAVA