1. Iwasang Maghawak ng Malaking Halaga ng Pera

Regular na ideposito sa bangko ang kinita. Gumamit ng drop safe para sa seguridad ng pera sa loob ng tindahan.

2. Maglagay ng CCTV at Alarm System

Mag-install ng malinaw na CCTV camera at alarm system para ma-monitor ang paligid at makaresponde agad ang awtoridad sa oras ng insidente.

3. Panatilihing Maliwanag ang Paligid

Siguraduhing may sapat na ilaw sa loob at labas ng establisyemento, lalo na sa gabi, upang hindi matago ang kilos ng masasamang loob.

4. Huwag Magbukas o Magsara Mag-isa

Laging may kasama sa pagbubukas at pagsasara ng tindahan para maiwasang ma-target ng mga holdaper.

5. Maging Mapagmasid sa mga Kahina-hinalang Tao

Kilalanin ang mga regular na customer at agad i-report sa pulisya o barangay ang kahina-hinalang kilos o tao sa paligid.